Buwan ng Wika na naman mga kaibigan. Sabi nila, ito ang buwan ng mga Pilipino. Wikang Filipino ang ating lengwahe, at marami rin ang nagsasabing, proud silang Pilipino sila. Proud nga ba sila?

Ang lengwahe natin ang nagiging simbolo o tatak natin para tayo ay masabing mamamayan ng isang bansa. Sa pamamagitan nito, madaling malaman ang pagkaka-kilanlan natin sa mga dayuhan. Sikat tayong mga Pilipino at marami  ang nagpapatunay, dahil marami na ring mga dayuhan ang naeenganyo sa ating wika. Pero habang tumatagal ang panahon, parang unti-unti na itong nalalaos at nakakalimutan na ng bagong henerasyon. Ingles, Espanyol, Koreano, Chinese, yan na ang mga lengwaheng pinag-aaralan na ng ating kasalukuyang henerasyon. Hindi ko lubos malaman ang dahilan kung bakit. Hindi naman masamang matuto ng ibang lengwahe, ngunit mas mainam parin sanang gamitin at mahalin pa rin natin ang ating sariling wika, dahil ito lamang ang tangi nating maipagmamalaki sa buong mundo.