Spiderman, superman, batman, captain barbell, yang mga karakter na yan, sila ang mga naituturing nating mga bayani ng mundo. Tinatawag na bayani kasi nagtataglay sila ng hindi kapani-paniwalang lakas at abilidad na pwedeng makapagligtas ng sanlibutan. Kaya nilang bumuhat ng sasakyan, gumalaw na kasing bilis ng ilaw at talinong hindi kapani-paniwala. Alam naman natin siguro na hindi sila totoo. Hindi sila nabubuhay sa mundo, kung hindi nilikha lamang sila ng mahiwagang imahinasyon ng mga tao ngayon. Sila pa rin ang pinaniniwalaang mga bayani lalo na sa mga bata hanggang sa ngayon. Pero, ito na ang takdang panahon para malaman nila kung sino nga talaga ang itinuturing na bayani ng ating bansa.

Mga GURO. Oo, mga guro. Sila ang tunay ng bayani ng mundo. Hindi natin alam kung gaano kahirap ang kanilang ginagawa para lamang maturuan tayo ng mga magaganda at mahiwagang mga bagay para sa ating kinabukasan. Hindi nating nararamdaman ang mga sakit nila sa likod, sa kasu-kasuan para lamang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan. Sakit ng ulo, highblood, pagkapagod, lahat ng iyan hindi nila iniisip, dahil tayo lamang ang lamang ng kanilang isip. Totoo naman na kung walang mga guro, walang mga doctor, engineer, accountant, presidente, senador. Kung wala sila, tayo ay walang-wala. Walang alam, walang kinabukasan, walang pangarap.

Maliit man ang kanilad sahod, ngunit para sakin, sila ang pinaka-respetadong mga tao na dapat nating igalang at mahalin. Sila ang tunay na bayani natin. Kahit na may mga guro tayong ayaw natin, kailangan parin natin dapat na igalang sila. Magpasalamat ka sa kanila pagkat kapag wala sila, wala ka ngayong alam tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo.

WebRep
currentVote
noRating
noWeight